Kahulugan ng pumunta sa carnival at nag-selfie
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 24, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ben ng Pasig City.
Dear Maestra,
Gusto kong magpaanalisa ng panaginip ko.
Napanaginipan ko na nagpagtripan kong pumunta sa carnival. Wala naman akong ginawa ru’n kundi mag-selfie lang.
Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Ben
Sa iyo, Ben,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na napagtripan mong pumunta sa carnival ay nagpapahiwatig na dahil sa kawalan mo ng pag-iingat sa iyong pakikipag-deal sa negosyo, malaking halaga ang mawawala sa iyo.
Samantala, ang ibig sabihin ng nag-selfie ka lang sa loob ng carnival ay magpapalit ka ng pinagkakakitaan. Hahanap ka ng mas magandang negosyo na sa iyong palagay ay kikita ng mas malaki.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments