top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng pumitas ng rose

BULGAR
Sep 14, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 14, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Regino ng Leyte.


Dear Maestra,


Nais kong magpaanalisa ng panaginip ko na nasa garden ako kasama ng mga kaibigan ko. Nagandahan ako sa rose, kaya pinitas ko ang isa sa mga ito. Tapos pumunta naman kami sa taniman ng mga prutas. Ang gaganda ng mga puno at hitik na hitik sa bunga.


Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Regino



Sa iyo, Regino,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa garden ka kasama ng mga kaibigan mo ay magiging abala ka sa mga makabuluhan at kapaki-pakinabang na mga gawain. Makakaramdam ka ng kaligayahan sa ginagawa mo dahil makikita mo na kayang-kaya mong magpasaya ng mga tao sa pamamagitan ng mga pinagkakaabalahan mong proyekto.


Gayunman, ang rose na pinitas mo dahil nagandahan ka ay nangangahulugan na magtatagumpay ka sa mga pinaplano mo.


Samantala, ang mga puno naman na hitik sa bunga ay nagpapahiwatig ng financial prosperity and good health. Madadagdagan ang kita mo at magiging maayos din ang iyong kalusugan. Hindi ka na magkakasakit pa.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page