Kahulugan ng pulang ahas na sunod nang sunod sa nanaginip
- BULGAR

- Jul 3, 2020
- 2 min read
ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | July 3, 2020
Salaminin natin ang panaginip ni Jhackie na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin ng panginip ko na ahas na pula? Sunod nang sunod sa akin ‘yung ahas pero hindi naman ako tinutuklaw, tapos takot na takot ako kaya iwas din ako nang iwas.
Naghihintay,
Jhackie
Sa iyo Jhackie,
Nakakapagtaka dahil halos lahat ng babae ay takot sa ahas, pero may paliwanag ang mga sikolohista at ganito ang sabi nila:
Nakabaon sa kamalayan ng kababaihan na ang ahas ay simbolo ng ahas na manunukso na nasa Garden of Eden. Sa hindi malamang dahilan, ang ahas na ‘yun ay tinanggap ng mundo na isang phallic symbol at ito ang mismong larawan ng maselang bahagi ng katawan ng lalaki. Kaya ang kababaihan ay takot sa ahas, pero ang takot nila ay nakakapit sa phallic symbol na malaking tukso dahil ang tukso ay hindi nagmumula sa tunay na love kundi nag-uugat sa pagnanasang panseksuwal at hindi natin masisisi kung ang lahat ng babae ay takot sa ahas.
Gayunman, may isa pang ahas na nasa Banal na Aklat at ito ay ang ahas na simbolo ng medisina na ayon sa pagkakasulat, ang sinumang tumingala sa ahas na nasa itaas ng poste sa gitna ng plaza ay gagaling sa kanilang karamdaman.
Ang ahas sa panaginip mo ay masasabing nasa pangalawang ahas. Ang ahas na nasa gitna ng plaza na nasa itaas ng isang poste na ang sinumang tumingla ay gagaling sa karamdaman. Kaya ang iyong ring panaginip ay nagsasabing takot ka sa COVID-19 pero ayon din sa iyong panaginip, binabantayan ka ng iyong ahas ng kagalingan kaya wala kang dapat ipag-alala. Magtrabaho ka at ituloy mo ang pagtahak sa landas ng buhay ng iyong mga pangarap.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo







Comments