top of page
INSIDER - JULIE ANNE, KUMANTA KUNG BAKIT HINIWALAYAN NG FIRST LOVE-IG _myjaps & _aldenrich

Kahulugan ng pinya, peras at mga ibon sa pine tree

  • BULGAR
  • Aug 30, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 30, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Nais kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na pumunta ako sa taniman ng prutas ng bestfriend ko, tapos ang daming pinya at peras, mayroon ding pine trees, at ang daming ibon na nakadapo rito. May peacocks din akong nakita sa hindi kalayuan.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?



Naghihintay,

Robert



Sa iyo, Robert,


May kaugnayan sa pag-aasawa ang kahulugan ng pinya sa panaginip mo. Kung ikaw ay binata pa, nangangahulugan ito na makikilala mo na ang magiging lifetime partner mo. Habang kung ikaw naman ay may-asawa na, makakatanggap ka ng wedding invitation na ikagagalak mo.


Ang peras naman ay nangangahulugang mapo-promote ka sa trabaho at kikita ka ng malaki sa negosyo mo. Ito rin ay nagpapahiwatig na malapit ka nang magpakasal sa minamahal mo. Magiging maligaya kayo at pagpapalain ang pagsasama n’yo.


Samantala, ang pine tree naman ay nagpapahiwatig ng kaligayahan, kung saan ang lahat ng pagsusumikap mo ay gagantimpalaan na ng tadhana, at tagumpay at kasaganaan ang mararanasan mo sa darating na mga araw.


Ang ibon naman na nasa pine tree ay nangangahulugang makakatanggap ka ng pera sa pamamagitan ng mana, kumbaga, may mamanahin kang malaking halaga.


Habang ang peacock na nakita mo ay nangangahulugan ng matatag na pagkakakitaan. Secured na secured ang kabuhayan mo dahil na rin sa iyong sipag at tiyaga.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page