Kahulugan ng picnic at nagluto ng jam
- BULGAR
- Jul 6, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 6, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jerwin ng Masbate.
Dear Maestra,
Isa ako sa maraming gustong magpaanalisa ng panaginip sa inyo.
Napanaginipan ko na may picnic kami ng mga kaibigan ko at kani-kanya kaming dala ng food na maise-share, habang ako ay nagluto ng jam.
Masaya kaming nagkita-kita at nagkatuwaan, tapos nasarapan sila sa jam na niluto ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jerwin
Sa iyo, Jerwin,
Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na nagluto ka ng jam dahil ito ay nangangahulugan na may dadaluhan kang kasalan at isa ka sa magpa-participate sa programang inihanda ng bagong kasal.
Samantala, ang ibig sabihin naman ng nasarapan ang iyong mga kaibigan sa niluto mong jam ay nagpapahiwatig na masuwerte ka sa pakikipagkaibigan. Handa silang damayan ka sa lahat ng pagkakataon, gayundin, maaasahan mo sila sa sandali ng iyong kagipitan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments