top of page

Kahulugan ng paniki at buwaya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 14, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | October 14, 2023


Analisahin natin ang panaginip ni Dondon ng Pasay City.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa liblib na pook ako. May dala umano akong pana, nang may nakita akong buwayang papalapit sa akin. Pinana ko ang buwaya, tinamaan ito at kalaunan ay namatay. Maya-maya ay may dumating na mga paniki na nagliliparan sa paligid.


Ano’ng ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Dondon

Sa iyo, Dondon,


Ang panaginip mo na nasa liblib na pook ka, may dala kang pana, pinana mo ang buwayang papalapit sa iyo, tinamaan mo ito at namatay, ito ay nangangahulugang makakamit mo ang matagal mo nang pinapangarap sa buhay.


Samantala ang buwaya ay nagpapahiwatig na may lihim kang kaaway kaya dapat ka ring mag-ingat at talasan mo ang iyong pakiramdam.


Ang mga paniki naman na nagliliparan sa paligid ay senyales na may mahigpit kang karibal sa puso ng iyong minamahal, mapanganib at traydor siya. Maging mapagmatyag at lagi kang mag-ingat.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page