Kahulugan ng ninakaw ang kotse ni BBM
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | January 11, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rizza ng Batangas.
Dear Maestra,
Natutuwa ako dahil may column na kayo sa BULGAR. Ako ‘yung madalas pumunta sa office n’yo kasama ang mommy ko. Suki n’yo kami, hindi lamang sa pagpapaanalisa ng panaginip kundi sa iba n’yo pang kaalaman na nakakatulong sa aming mag-ina upang umunlad sa buhay.
Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko. Napanaginipan ko na ninakaw ang kotse ni Bongbong Marcos. Ang ipinagtataka ko ay sa akin napunta ang kotse niya. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rizza
Sa iyo, Rizza,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo ay makararanas si Bongbong Marcos ng pagkawala ng kabuhayan, pagkalugi at pagkatalo sa ipinaglalaban niyang prinsipyo. Mababawasan nang husto ang kanyang mga ari-arian.
Samantala, ang sabi mo ay napunta sa iyo ang kotse niya, nangangahulugan naman ito na dapat kang mag-ingat sa pagpapasya. May posibilidad na ang pinakamimithi mo sa buhay ay hindi mapasaiyo dahil na rin sa iyong kapabayaan at sobrang tiwala sa taong kasangga mo sa pinaplano mo. Hinay-hinay lang, iwasan mo ang sobrang tiwala sa kapwa. ‘Ika nga, slowly but surely, at ‘yan ang dapat mong gawin.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia De Luna




Comments