Kahulugan ng nilagyan ng dahon ng laurel at honey ang niluluto
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | February 22, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rose ng Pangasinan.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na naisipan kong magluto ng masarap na ulam, tapos nilagyan ko ito ng dahon ng laurel upang lalong sumarap. Naisipan ko rin itong lagyan ng honey para medyo tumamis at lalo akong ganahang kumain.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rose
Sa iyo, Rose,
Ang ibig sabihin ng nagluluto ka sa iyong panaginip ay may dadaluhan kang masayang pagtitipon kung saan magkakatuwaan kayong magkakaibigan. Hahanapan ka nila ng ka-match na posibleng makatuluyan mo at maging kabiyak ng puso mo habambuhay.
Ang dahon ng laurel na inilagay mo para sumarap ang iyong niluluto ay nangangahulugan ng tagumpay o pagwawagi sa lahat ng pagsubok at mabilisang pagpapakasal. Nagpapahiwatig din ito na magkakaanak ka agad.
Samantala, ang honey ay nangangahulugan na mararanasan mo ang tamis na dulot ng pagmamahalan. Liligaya ka sa buhay may asawa. Gayundin, uunlad ang iyong negosyo at lalago ang kabuhayan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments