Kahulugan ng nawala ang susi at sumakit ang ulo
- BULGAR
- Dec 2, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 2, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rose ng Pampanga.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na hindi ko mabuksan ‘yung pintuan ng kwarto ko. Nawala ‘yung susi at hindi ko malaman kung nalaglag ba ito sa bag ko o naiwan ko sa office. Mabuti na lang ay naalala ko na may duplicate ako sa likod ng frame, tinago ko ‘yun ru’n just in case na mawala ang mga original. Agad ko itong kinuha at successful, nabuksan ko ang kwarto ko.
Gayunman, sumakit daw ang ulo ko kaya uminom agad ako ng gamot. Kahit na sobrang pait ng gamot, ininom ko pa rin ito para bumuti na agad ang aking pakiramdam.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rose
Sa iyo, Rose,
Ang panaginip mo na hindi mo mabuksan ang kwarto mo dahil nawala ang susi mo, ito ay babala na mahihirapan kang tapusin ang iyong mga gawain, at makararanas ka ng mga sagabal dito. Pero, dahil naalala mong may duplicate kang tinago sa likod ng frame, agad mo itong kinuha kaya nabuksan mo ang kwarto mo, ito ay nangangahulugan na makakamit mo ang tagumpay sa kabila ng mga hadlang.
Matutupad mo ang mga pangarap mo sa buhay.
Samantala, ang sumakit ang ulo mo kaya uminom ka ng gamot ay nagpapahiwatig na may magandang kapalarang nakalaan sa iyo. Gayunman, dahil sobrang pait nu’ng gamot ng gamot na iyong ininom, ito ay tanda na ‘di agad mapapasaiyo ang tagumpay, may pagsubok ka pa ring haharapin para makamit ang mga pangarap mo sa buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna







Comments