top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng nauhaw at sumeksi dahil sa suka

BULGAR
Mar 16, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 16, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Doris ng Zambales.


Dear Maestra,


Pangatlong beses ko na itong pagsangguni ng panaginip sa inyo. Nagkatotoo ang pag-aanalisa n’yo noon kaya heto na naman ako at muling sumasangguni sa inyo.


Napanaginipan ko na nakaramdam ako ng pagkauhaw, kaya kumuha ako ng tubig sa refrigerator at agad na uminom. Nakakita ako ng suka sa mesa, tapos naalala ko ‘yung nabasa ko sa Facebook na puwedeng gamitin ang suka bilang pampapayat.


Medyo may katabaan ako kaya nang sumunod na mga araw, palagi akong may sawsawang suka tuwing kumakain. Naging epektibo naman ang suka kaya pumayat ako, nabawasan ang bilbil ko at sumeksi pa ako.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Doris



Sa iyo, Doris,


Ang ibig sabihin ng nauhaw ka kaya uminom ka ng tubig ay may magandang kapalarang paparating sa iyo, kumbaga, yayaman ka at giginhawa na ang iyong buhay.


Ang suka naman ay nangangahulugang mag-iingat ka sa mga haka-haka o tsismis na naririnig mo na ipinagkakalat ng lihim mong kaaway. Umiwas ka rin sa pakikipagtalo o sa mga debate dahil hindi ito makabubuti para sa iyo.


Samantala, ‘yun namang pumayat ka, nabawasan ang bilbil mo at sumeksi ka pa, maganda ang ipinahihiwatig nito. Magtatagumpay ka sa mga gusto mong gawin kung saan matutupad na ang mga pangarap mo sa buhay at giginhawa ka na.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page