top of page
Search
  • BULGAR

Kahulugan ng natanggap sa factory at may ibang kausap ang nililigawan

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 21, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni James ng Imus, Cavite.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na natanggap akong magtrabaho sa isang factory. Nakita ko ru’n ang nililigawan ko na may kausap na iba, ang sweet-sweet nila kaya nagselos ako nang todo.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

James


Sa iyo, James,


Ang panaginip mo na natanggap kang magtrabaho sa factory ay nagpapahiwatig na matatapos na ang pag-aalala mo tungkol sa pera dahil mababayaran mo na ang mga utang mo. Gayundin, hindi ka na kakapusin sa pang-araw-araw mong pangangailangan.


Samantala, ang sabi mo ay nakita mo ang nililigawan mo sa naturang factory na may kausap na iba at sweet na sweet sila, kaya nagselos ka. Kabaligtaran ang ipinahihiwatig nito dahil ibig sabihin, magtatagumpay ka sa karibal mo. Ikaw ang magwawagi sa puso ng minamahal mo.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page