Kahulugan ng nasipit ng alimango at sumigaw sa sakit
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 3, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Danny ng Nueva Ecija.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyo. Gusto kong magpaanalisa ng panaginip ko. Nakatira ako malapit sa tabing dagat. Marami kaming nahuhuling alimango kapag kabilugan ng buwan.
Napanaginipan ko na nasipit ako ng alimango, tapos nagsisigaw ako sa sakit.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Danny
Sa iyo, Danny,
Ang nasipit ka ng alimango sa tabing dagat ay nagbababala na mag-iingat ka sa paglalakbay, sa dagat o ilog ka man papunta.
Samantala, ang ibig namang ipahiwatig ng nagsisigaw ka sa sakit dahil nasipit ka ng alimango, may paparating na problema sa buhay mo, na ikababahala mo dahil hindi mo alam kung paano ito lulutasin.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments