top of page

Kahulugan ng nasa palasyo at nakita ang reyna

  • BULGAR
  • May 9, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 9, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gina ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Isa akong government employee, dalaga at nangangarap makapag-asawa ng matinong lalaki na mamahalin ako nang buong tapat. Pansamantala akong natigil sa trabaho, pero buti na lang, nakabalik na ulit ako.


Napanaginipan ko na nasa palasyo ako, tapos ang ganda-ganda ng palasyo. Maya-maya, lumabas ‘yung reyna at sobrang ganda niya. Matapos kong makita ang reyna, lumabas ako ng palasyo at naglakad papunta sa bahay ko. Tapos may bahaghari na lumitaw sa langit habang naglalakad ako at ang ganda nito. Sobrang sarap ng pakiramdam ko habang nakatanaw sa bahaghari.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Gina


Sa iyo, Gina,


Napakaganda ng ipinahihiwatig ng panaginip mo na nasa palasyo ka at nakita mo ang reyna at sobrang ganda niya. Ito ay nangangahulugan ng hindi inaasahang suwerte sa buhay kung saan mabilis na uunlad ang kabuhayan mo dahil na rin sa sobrang dedikasyon mo sa iyong mga gawain. Masipag, matiyaga at mapagmahal ka sa kapwa, kaya may gantimpala sa iyo ang tadhana.


Samantala, ang palasyo at reyna ay nangangahulugan din na may posibilidad na makapag-asawa ka ng lalaking aktibo sa mga gawaing may kaugnayan sa gobyerno. Maaaring isa siya sa mga kasamahan mo sa trabaho. Magiging masagana ang buhay n’yo, gayundin, liligaya at pagpapalain kayo.


Ang bahaghari o rainbow na ang sabi mo ay maganda at ang sarap ng pakiramdam mo habang nakatingin dito, nangangahulugan ito ng malaking pagbabago sa iyong buhay tungo sa kaunlaran at kaligayahan sa piling ng iyong mahal sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page