top of page

Kahulugan ng nasa magandang isla at nahuling may iba ang bf

  • BULGAR
  • Oct 8, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 8, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Yolly ng Zambales.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa isang isla ako. Maganda at maraming namumulaklak na halaman, gayundin, berdeng-berde ang mga dahon ng punong-kahoy. Subalit nagulat ako dahil nakita ko ru’n ang dyowa ko na may kasamang ibang babae. Nagselos ako nang todo, pero hindi alam ng dyowa ko dahil wala siyang kamalay-malay na nakita ko sila ng kalaguyo niya.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Yolly



Sa iyo, Yolly,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa isang isla ka, maganda, maraming namumulaklak na halaman, sariwa at berde ang mga dahon ay hindi fixed ang isip ng dyowa mo. Kumbaga, pabago-bago ang isip niya at hindi pa sigurado kung pakakasalan ka niya.


Pero huwag kang mag-alala dahil may makikilala ka na magmamahal sa iyo nang tapat at handang pakasalan ka. Liligaya at pagpapalain kayo.


Samantala, ang nagselos ka dahil nakita mo sa isla ang dyowa mo na may kasamang ibang babae ay nagpapahiwatig ng pagkabalisa at pag-aalala. Sa negosyo, magkakaroon ng malaking pagbabago dahil sa hindi inaasahang pangyayari dulot ng mga kasosyo mo. Makakaranas ka ng pagkalugi at iba pang problema sa pananalapi.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page