Kahulugan ng nasa korte at hahatulan
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 22, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Albert ng Masbate.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na ako ay nasa korte at nakatakdang hatulan sa nagawa kong kasalanan. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Naghihintay,
Albert
Sa iyo, Albert,
Hindi mo binanggit kung ano naging hatol sa iyo ng Judge. Kung guilty ang hatol sa iyo, ang ibig sabihin niyan ay kasawian sa buhay. Masamang kapalaran ang nakatakdang sapitin mo sa darating na araw. Subalit kung ang hatol naman ng Judge ay pinawalang-sala ka sa kasalanang nagawa mo, nangangahulugan ‘yan ng magandang kapalaran. Ibig sabihin, magbabago ang takbo ng buhay mo at susuwertehin ka na. Mapasasaiyo na ang mga pagpapala na magpapabago sa iyong buhay, at titingalain ka sa lipunang iyong ginagalawan. Magiging matatag ang iyong kabuhayan at ang pamilya mo ay magiging masaya na rin. Isa pa, mawawala na ang hindi pagkakaunawaan. Magiging payapa ang iyong tahanan at ligtas sa anumang uri ng kapahamakan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments