top of page

Kahulugan ng nasa giyera at nakikipaglaban

  • BULGAR
  • Jun 20, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 20, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Raymart ng Cebu.


Dear Maestra,


Madalas akong managinip na may giyera. Nasa battlefield ako at nakikipaglaban habang nakapaa. Naitaboy namin ang mga kaaway dahil natakot at umatras sila.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Raymart



Sa iyo, Raymart,


Ang panaginip mo na nasa battlefield ka at nakikipaglaban ay nagpapahiwatig na mapapaaway ka sa kapamilya mo. Gayunman, huwag kang mag-alala dahil maganda ang ibig sabihin ng naitaboy n’yo ang mga kaaway at umatras ang mga ito. ‘Yan ay nangangahulugan na maiiwasan mo ang nagbabantang gulo o away sa iyong kapamilya.


Samantala, ang ibig sabihin naman ng nakapaa ka habang nasa giyera, panahon na para lumipat ka ng pinagtatrabahuhan. Humanap ka na ng ibang mapapasukan sa dahilang marami sa katrabaho mo ay lihim na naiinggit sa iyo. May binabalak silang hindi maganda laban sa iyo. Makabubuting mag-resign ka sa lalong madaling panahon bago ka pagtangkaan ng hindi maganda ng mga kasamahan mo sa trabaho. Nagpapanggap lang sila na kaibigan, pero may masama palang balak sa iyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page