Kahulugan ng napunit ang laylayan ng apron at tinahi
- BULGAR
- Jan 20, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 20, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dolora ng Bataan.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nakasuot ako ng apron. Napansin ko na punit ang laylayan nito, kaya tinahi ko ito at sinuot ulit. Tapos, nagluto ako ng bacon, pinalaman ko ito sa tinapay at kinain.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Dolora
Sa iyo, Dolora,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagsuot kang apron ay magkakaroon ka ng bagong damit. Ang tinahi mo ito dahil punit ay nagpapahiwatig ng bagong pag-ibig, kung saan magkakagusto ka sa bago mong kakilala at mai-in love ka sa kanya.
Samantala, ang sinuot mo ulit ang apron pagkatapos tahiin at nagluto ka ng bacon ay nangangahulugan ng kalungkutan dahil makakaaway mo ang isa sa iyong kapamilya.
Ang pinalaman mo ito sa tinapay at kinain ay nagpapahiwatig na maiiwasan mo ang hindi kanais-nais na pangyayari sa buhay na nakatakdang sapitin mo sa mga darating na araw.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments