Kahulugan ng nanood ng bilyar at boksing
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 9, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Donrald ng Cavite.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nasa bilyaran ako, tapos pinanonood ko ‘yung mga naglalaban sa kampionato at naisipan ko namang manood ng boxing. Napuruhan sa mata ‘yung nagbo-boxing hanggang tuluyan na siyang nabulag.
Ano ang gustong ipahiwatig ng panaginip ko?
Naghihintay,
Donrald
Sa iyo, Donrald,
Ang gustong ipahiwatig ng panaginip mo na nanood ka ng championship sa bilyar ay babala na dahil sa iyong kapabayaan, maaari kang masangkot sa gulo. Dahil dito, ingatan mo ang iyong mga kilos at pagpapasya sa buhay upang hindi ka madamay sa kaguluhan na nakatakdang dumating.
Samantala, ‘yung nanood ka rin ng boxing ay nangangahulugan ng pagkalugi sa negosyo. Ang napuruhan ng kalaban niya sa mata ‘yung boksingero hanggang sa tuluyan siyang nabulag, ito ay nangangahulugan na lalapitan ka ng kaibigan mo upang hingan ng tulong. Gayunman, huwag kang mag-atubili na tulungan siya dahil wala siyang ibang malalapitan kundi ikaw at kailangan niya ang iyong pagdamay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments