top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng nanalo sa beauty contest

BULGAR
May 26, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 26, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rosita ng Surigao.


Dear Maestra,


Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan. Single pa rin ako at nangangarap na makatagpo ng tunay na magmamahal sa akin.


Napanaginipan ko na nanalo ako sa isang beauty contest. Kinoronahan ako bilang pinakamagandang babae sa aming lugar at nang tumayo ako, nabuwal ako at nasugatan dahil nasubsob ako.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rosita


Sa iyo, Rosita,


Ang panaginip mo na kinoronahan ka bilang pinakamagandang babae sa inyong lugar ay nagpapahiwatig na magiging sikat ka sa inyong lugar, kung saan hahangaan ka ng mga tao. Pararangalan ka at kikilalanin ang iyong pagsisikap sa buhay upang makamit ang tagumpay.


Gayundin, kaligayahan sa piling ng iyong mga kaibigan ang ipinahihiwatig nito. Pati ang kayamanan at kasaganaan ay malapit mo nang makamit. Igagalang ka at titingalain sa lipunang iyong ginagalawan.

Samantala, ang ibig sabihin naman ng tumayo ka, bigla kang nabuwal at nasugatan dahil nasubsob ka ay susuwertehin ka sa pag-ibig, kung saan makakapag-asawa ka ng mayaman. Magiging masaya ang pagsasama n’yo at pagpapalain kayo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page