top of page

Kahulugan ng namimitas ng bulaklak sa bukirin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 6, 2020
  • 1 min read

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | August 6, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Laiza na ipinadala sa Facebook Messenger.


Dear Professor,


Namimitas ako ng mga bulaklak sa bukirin, du’n sa taniman ng gulay namin, pero may mga tanim din kaming halaman na namumulaklak.


Tuwang-tuwa ako at masayang naglalakad na para akong sumasayaw habang namimitas ng mga bulaklak. Ayaw ko nang umuwi, pero halos gabi na kaya umuwi na rin ako.


Naghihintay,

Laiza


Sa iyo Laiza,


Maaaring hindi mo aminin, pero ang katotohanan ay masasalamin sa iyong panaginip na ngayon ay hindi maganda ang iyong kalagayan.


Bukod pa rito, nakita rin sa iyong panaginip na malungkot at parang sinasabi mong bigo ka sa mga pangarap mo. Gayunman, ikaw lang naman ang nag-iisip ng ganu’n dahil sinasabi rin ng iyong panaginip na “bukas” o sa hinaharap ay matutupad ang lahat ng iyong pangarap.


Kaya mas magandang tumingin ka sa marami pang bukas na darating sa iyong buhay na ang ibig sabihin ay hindi mawawala ang magagandang oportunidad na mapaangat mo ang iyong buhay.


Maaaring hindi mo rin paniwalaan, pero ito ay mangyayari kung saan ang kabuuan ng mensahe ng iyong napanaginipan ay ikaw ay tiyak na yayaman.


Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page