top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng naligo at naglaba sa malabong ilog

BULGAR
Oct 2, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 2, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rudy ng Masbate.


Dear Maestra,


Nais kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na naliligo ako sa ilog. Malabo at hindi gaanong malinis ang tubig sa ilog, pero naligo pa rin ako. Tapos nilabhan ko ‘yung damit ko. Nakita ako ng pinsan ko habang naglalaba, tapos hinubad niya ‘yung t-shirt niya at pinalabhan din sa akin.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rudy



Sa iyo, Rudy,


Ang ibig sabihin ng naliligo ka sa ilog kahit malabo ang tubig ay labis kang nag-aalala sa kasalukuyan mong problema na malapit nang magkaroon ng kalutasan.


Samantala, ang nilabhan mo ang iyong damit sa ilog, gayundin ang damit ng pinsan mo ay nangangahulugan na ikaw ay mananatiling tumutulong sa problema ng iba kahit ikaw ay may sarili ring mga problema. Sacrificing for others — ‘yan ang magiging buhay mo sa darating na mga araw.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page