top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng nakulong, nagdasal at pocket books

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 28, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | February 28, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rod ng Gumaca, Quezon.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa loob ako ng bilangguan dahil nakulong ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Wala akong nagawa kundi magdasal na lamang nang magdasal, hingin ang awa at tulong ng Diyos upang ako ay makalaya. Tapos may nagbigay sa akin ng pocket books kaya ‘yun na rin ang naging libangan ko, ang magbasa ng magbasa ng mga pocket books.


Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Rod


Sa iyo, Rod,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakakulong ka sa bilangguan dahil ito ay nagpapahiwatig na malaya mong magagawa ang gusto mong gawin kung saan walang kokontra sa mga plano mo sa buhay. Dahil dito, walang pagsidlan ang kaligayahan sa puso mo, ma-e-enjoy mo lahat ng luho at layaw mo sa buhay.


Samantala, ang ibig sabihin ng wala kang nagawa kundi magdasal, kaligayahan at kapayapaan naman ng puso’t isipan ang ipinahihiwatig nito. Makakaranas ka ng walang kahulilip na kaligayahan sa darating na mga araw. Ikalulugod mo nang husto ang tagumpay na tinatamasa mo sa buhay. Ang pocket books naman ay nagpapahiwatig ng masayang pag-aasawa sa kasalukuyan mong karelasyon. Ikakasal ka na sa lalong madaling panahon at magiging maunlad ang pagsasama n’yo. Maraming pagpapala ang makakamit n’yo ng iyong kabiyak.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page