top of page

Kahulugan ng nakipaglamay sa yumaong mahal sa buhay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 5, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 5, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Violeta ng Batangas

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakipaglamay kami ng nanay ko sa kamag-anak naming yumao.


Napag-usapan namin ang mga nagawa niyang kabutihan. Sobra kong nalungkot nang marinig ko ang mga awiting pinatugtog habang pinagluluksa namin ang namayapang mahal sa buhay.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Violeta

Sa iyo, Violeta,


Ang nakipaglamay kayo ng nanay mo sa kaanak n’yong namatay ay nangangahulugang makakamit mo na ang magagandang bagay na pinapangarap mo. Hindi magtatagal ay yayaman, sasagana at magiging maligaya ka na sa darating na mga araw.


Ang nagkuwentuhan kayo ng nanay mo sa mga bagay na nagawa niya sa inyo, ay nagpapahiwatig na may matatanggap kang nakakagulat na balita. Hindi mo sukat akalaing giginhawa ka, at matatapos na ang mga paghihirap mo.


Samantala, ang sobrang lungkot mo, lalo na nu’ng marinig mo ang awiting pinapatugtog habang pinagluluksa n’yo ang inyong namayapang kaanak, ay senyales na liligaya ka sa iyong pag-aasawa. Ikakasal ka na sa boyfriend mo at magsasama na kayo kasama ang inyong magiging mga anak.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page