top of page

Kahulugan ng nakipagkita sa problemadong kaibigan at malungkot

  • BULGAR
  • Mar 29, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 29, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Diego ng Bataan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa Fort para makipagkita sa isang matalik na kaibigan. Malungkot ako dahil may problema ‘yung kaibigan ko at ako ang naisipan niyang hingan ng tulong.


Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Diego



Sa iyo, Diego,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pumunta ka sa Fort upang makipagkita sa isang matalik na kaibigan ay may tiwala ka sa sarili mo. Matatag, may matibay na pananalig at positibo ang pananaw mo, gaanuman kabigat ang problemang dumarating sa iyong buhay.


Maaasahan ka rin at madaling lapitan sa sandali ng kagipitan dahil agad mong tutulungan ang mga kaibigan mo na lalapit sa iyo upang humingi ng tulong.


Samantala, ang sabi mo ay malungkot ka habang hinihintay ang kaibigan mo, ito ay nagpapahiwatig na kailangang isakripisyo mo ang sarili mong budget para matulungan ang matalik mong kaibigan.


Gayunman, hindi ka manghihinayang sa pagtulong mo dahil para sa iyo, ang taong tumutulong sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit ay pinagpapala. Higit pa sa itinulong niya ang ibabalik ng Diyos. Ganyan ang pananaw mo sa buhay. Saludo ako sa iyo, nananaginip ka man o hindi dahil nararamdaman ko na may mabuti kang kalooban. Mangilan-ngilan o mabibilang na lang sa daliri ang mga taong tulad mo sa panahon ngayon.


Sumaiyo nawa ang walang hanggang pagpapala at biyaya ng Dakilang Lumikha.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page