top of page

Kahulugan ng nakipag-usap sa batang babae at nabasag ang salamin

  • BULGAR
  • Sep 21, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 21, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Carlo ng Cotabato City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakikipag-usap ako sa isang batang babae. Makikipagkamay ako sa kanya, pero biglang nalaglag ang salamin ko sa mata sa aktong kukumustahin ko siya at nabasag ito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Carlo


Sa iyo, Carlo,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakikipag-usap ka sa batang babae ay

magiging maligaya ka sa susunod na mga araw.


Ang nalaglag ang salamin mo sa aktong kukumustahin mo siya at nabasag ito ay nagpapahiwatig na makakaranas ka ng pansamantalang kalungkutan, pero mapapalitan agad ito ng kaligayahan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page