top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng nakatanggap ng sulat, nagalit at umiyak

BULGAR
Apr 22, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 22, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lea ng Davao.


Dear Maestra,


Isa ako sa marami n’yong tagasubaybay at nais kong malaman ang kahulugan ng aking panaginip.


Napanaginipan ko na nakatanggap ako ng sulat mula sa pinagkakautangan kong coop. Sinisingil nila ako sa utang na hindi ko pa nababayaran hanggang ngayon, tapos ang laki-laki na ng tubo. Sa tindi ng inis at sama ng loob ko, pinunit ko ang sulat at umiyak nang umiyak.


Naghihintay,

Lea



Sa iyo, Lea,


Ang ibig sabihin ng nakatanggap ka ng sulat at sa tindi ng inis at sama ng loob mo ay pinunit mo ang sulat, ito ay nagpapahiwatig na matatapos na ang lahat ng alalahanin mo sa buhay. Malulutas na ang mga problema mo, kasama ang mga utang na matagal nang hindi nababayaran. Mababayaran mo na ito at tuloy-tuloy na ang mga pagpapala sa buhay mo.


Samantala, ‘yung umiyak ka nang umiyak ay nangangahulugang may magandang kapalarang darating sa buhay mo. Kaligayahan sa tahanan din ang ipinahihiwatig nito dahil matatapos na ang mga dalamhati mo sa buhay. Matutuwa ka nang todo sa biglaang pangyayari na maghahatid sa iyo ng kasaganaan at kayamanang hindi mapapantayan.


Magse-celebrate ka kasama ang iyong mga kaibigan at kamag-anak bilang pasasalamat sa malaking grasyang dumating sa buhay mo nang hindi inaasahan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page