Kahulugan ng nakarating sa langit at maraming anghel
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 3, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lanny ng Dagupan.
Dear Maestra,
Halos gabi-gabi akong nananaginip, pero hindi ko ito pinapansin hanggang mabasa ko ang column n’yo, may kahulugan pala ang mga panaginip. Na-impress ako sa pag-aanalisa n’yo sa kahulugan ng mga panaginip, kaya gusto ko ring magpaanalisa ng panaginip ko.
Napanaginipan ko na nakarating ako sa langit, tapos ang ganda ng paligid at andaming anghel na nag-aawitan sa saliw ng gitara.
Ano ang kahulugan ng panaginip ko?
Naghihintay,
Lanny
Sa iyo, Lanny,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakarating ka sa langit, ang buhay mo ay magiging masaya at panatag. Wala kang magiging mabigat na problema na magdudulot sa iyo ng alalahanin.
Samantala, ang gitara naman na nakita mo na tinutugtog ng mga anghel ay nangangahulugan na tapat at tunay ang pag-ibig sa iyo ng karelasyon mo. Ang mga anghel naman ay nagpapahiwatig na maliligtas ka sa anumang panganib at kapahamakan dahil babantayan ka ng anghel mo na palaging nakasubaybay sa iyo, saan ka man pumunta.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Dear Maestra,
Nagpapasalamat ako at nakita ko ang bulgaronline na ito at nabasa ko po ang mga iyong sagot sa mga panaginip. Ako po ay kasalukuyan nag hahanap ng kasagutan sa panaginip ng aking anak na 10 taon gulang, siya po ay nanaginip na may nakita siyang liwanag at nakita niya ang 5 anghel sa langit at may nakita siyang nakatalikod na may mahabang buhok at sinabi daw niya "Lord"tapos bigla daw siyang lumipad paakyat sa langit at lumingon siya pababa nakita niya daw sa baba ang 2 anghel na nasa baba na umiilaw at yun mga anghel din sa paligid nya ay may lumiliwanag. sana po ay maipaliwanag niyo ang kahulugan nito.
Maraming salamat po.
Mina