top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng nakakita ng nagpuputol ng mga puno

BULGAR
Jul 5, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 5, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni James ng Cabanatuan, Nueva Ecija.


Dear Maestra,

Isa akong negosyante at may pamilya na. Napanaginipan ko na namasyal ako sa kagubatan, tapos may nakita akong mga tao at pinagpuputol nila ang malalaking puno para gawing lumber. Lumapit ako upang mag-osyoso, tapos nakipagkuwentuhan ako sa mga taong nagputol ng mga puno. Pagkatapos ay lumayo na ako sa kanila, subalit hindi ko makita ang tamang daan palabas ng gubat.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

James



Sa iyo, James,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pumunta ka sa gubat at may nakita kang mga tao na nagputol ng mga puno para gawing lumber ay kabiguan sa mga pangarap na gusto mong abutin. Samantala, ang sabi mo ay naligaw ka at hindi mo makita ang daan palabas ng gubat. Ito ay nagpapahiwatig na dapat mong ihanda ang iyong sarili sa mga kamalasan na daranasin mo sa susunod na mga araw.


Mamalasin ka sa pakikipag-deal sa negosyo at iba pang bagay na binabalak mong gawin. Maging matatag ka. Lahat ng tao ay dumaraan sa kabiguan, subalit muling bumabangon at tuluyan nang nakakamit ang tagumpay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page