top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng naiinggit sa bff at iba’t ibang mukha sa salamin

BULGAR
Mar 26, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 26, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Pauline ng Tarlac.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na inggit na inggit ako sa best friend ko. Siya naman pala ay naiinggit din sa akin. Sa tingin ko ay mas maganda at mayaman siya kaysa sa akin kaya nagtataka ako kung bakit siya naiinggit. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin kung mas maganda ba talaga ako kaysa sa kanya, subalit hindi lang mukha ko ang nakita ko sa salamin dahil tumambad ang marami at iba’t ibang hugis ng mukha.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Pauline



Sa iyo, Pauline,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naiinggit ka sa best friend mo ay may posibilidad na hindi ikaw ang magustuhan ng lalaking tinatangi mo. Siya ang magwawagi sa puso ng mahal mo, pero hindi ka naman niya mahal.


Samantala, kung siya naman ang naiinggit sa iyo, ito ay nagpapahiwatig na marami ang magiging tagahanga mo. Kalulugdan ka nila nang higit pa sa inaasahan mo.


Tungkol naman sa tiningnan mo ang mukha mo sa salamin, subalit hindi lang mukha mo ang iyong nakita kundi iba’t ibang mukha, nangangahulugan ito na lilipat ka ng pinapasukan. Magre-resign ka na sa kasalukuyan mong trabaho upang lumipat sa kumpanyang mas maganda at malaki ang suweldo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page