Kahulugan ng nahulog sa sapa ang sasakyan at maruming damit
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | February 27, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Digna ng Caloocan.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nahulog ang sinasakyan kong kotse sa napakaruming sapa. Buti na lang, hindi ako nasaktan dahil mababaw ang sapa, pero ang dumi-dumi ng damit ko.
Natalsikan ito ng putik at halos buong damit ko ay nabalot na ng putik.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Digna
Ss iyo, Digna,
Hindi maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na nahulog ang sinasakyan mong kotse sa maruming sapa dahil ito ay nangangahulugan na dapat mong pag-isipang mabuti ang papasukin mong negosyo. Nagbababala rin ito na malilinlang ka ng iyong katransaksiyon.
Samantala, ang sabi mo ay marumi ang damit mo dahil natalsikan ito ng putik at halos mabalot na ng putik ang suot mong damit. Ito ay nangangahulugan na ang reputasyon mo ay nanganganib na masira dahil sa mali mong pagpapasya. Ito rin ay nagpapahiwatig na makakatunggali mo sa iyong mga binabalak ang lihim mong mga kaaway. Hindi sila titigil hangga’t hindi ka nila napapabagsak.
Talasan mo ang iyong pakiramdam at gamitin ang iyong talino at isipan upang mapagtagumpayan mo ang lahat ng balakid sa iyong buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments