top of page

Kahulugan ng nahulog sa kanal ang kotse at maruming damit

  • BULGAR
  • Jun 28, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 28, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ipe ng Camarines Sur.


Dear Maestra,


Isa ako sa marami n’yong tagasubaybay. Gayundin, ako ay isang negosyante at nagbabalak na itigil ang aking business dahil malaki na ang nalugi sa akin.


Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na nahulog ang minamaneho kong kotse sa kanal. Buti na lang, hindi ako masyadong nasaktan, pero ang dumi-dumi ng damit ko.


Ano ang nais ipahiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Ipe



Sa iyo, Ipe,


Hindi maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na nahulog ang minamaneho mong kotse sa kanal dahil ito ay nangangahulugan ng pagkalugi sa negosyo. Dahil d’yan, dapat mo nang itigil ang kasalukuyan mong negosyo at palitan na ito ng iba.


Gayunman, planuhin mong mabuti ang susunod mong negosyo. Huwag kang sugod nang sugod, sa halip, pag-aralan mo muna at dapat maging bukas ang iyong isipan sa mga pagbabago.


Samantala, ang ibig sabihin ng madumi ng damit mo ay nakataya ang iyong reputasyon. Hindi maganda ang magiging tingin sa iyo ng mga kabarangay mo, ngunit maging mahinahon at maunawain ka sa lahat ng mga taong nakapaligid sa iyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page