top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng nagtrabaho sa bukid ng kapitbahay at nakarinig ng malakas na pagsabog

BULGAR
Mar 22, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 22, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gerald ng Batangas.


Dear Maestra,


Magandang araw sa iyo, gayundin sa iyong pamilya at mga kasamahan sa BULGAR. Gusto kong magpaanalisa ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na nagtatrabaho ako sa bukid na pag-aari ng kapitbahay namin nang may narinig akong malakas na pagsabog. Tiningnan ko kung saan nanggaling ‘yung pagsabog, pero bigla akong nagising at uhaw na uhaw at tuyot ang aking lalamunan.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Gerald



Sa iyo, Gerald,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagtatrabaho ka sa bukid ng kapitbahay mo ay maganda ang kalusugan mo sa kasalukuyan. Enjoy na enjoy ka sa buhay dahil wala kang sakit sa katawan. Sa kabilang dako, kung may sakit ka, ito ay nagpapahiwatig na gagaling ka at bubuti na ang iyong pakiramdam.


Samantala, ang ibig sabihin naman ng may narinig kang pagsabog, malaking pagbabago ang mararanasan mo sa buhay. Napakahalaga ng nasabing pagbabago, kaya dapat kang maghanda sa susunod na magaganap. ‘Yung tiningnan mo kung saan nanggaling ang narinig mong pagsabog, ito ay nagpapahiwatig na mawawalan ka ng napakahalagang ari-arian. Talasan mo ang iyong pakiramdam. Maging maingat ka upang hindi mawala ang iyong mga pag-aari.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page