top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng naglinis ng bodega at maruming damit

BULGAR
May 31, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 31, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Luis ng Masbate.


Dear Maestra,


Isa akong negosyante, ngunit nalugi ang negosyo ko dahil sa pandemya.

Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na nasa loob ako ng bodega ng mga high-tech machines. Nilinis ko ang bodega, inayos ang mga machines at isinalansang mabuti. Pagkatapos kong mag-ayos, ang dumi-dumi ng damit ko kaya naligo ako agad.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Luis


Sa iyo, Luis,


Kasaganaan at kaligayahan ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na nasa bodega ka at naglilinis nito. Sasagana na ang buhay mo at liligaya ka na sa piling ng iyong pamilya. At maging ang negosyo mo ay gaganda na rin kung saan makakabawi ka na sa nalugi sa iyo dahil sa pandemya.


Gayundin, pati sa pag-ibig ay susuwertehin ka. Makakapag-asawa ka ng mayaman at napabibilang sa tinitingalang angkan.


Ang high-tech machines ay nangangahulugang natural sa iyo ang pagiging masipag. Makakatulong ito upang makamit mo ang iyong mga pangarap.


Samantala, ang sabi mo ay naligo ka pagkatapos maglinis ng bodega dahil ang dumi-dumi na ng suot mong damit. Nangangahulugan ito na magkakaroon na ng kaliwanagan ang mga bagay na gumugulo sa iyong isipan. Masosolusyonan na ang lahat ng mga problema mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page