Kahulugan ng naglalakad sa tulay, malakas na agos ng tubig, nahilo at hirap huminga
- BULGAR
- Feb 15, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | February 15, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Florence ng Bulacan.
Dear Maestra,
Binabati ko kayo ng maligayang araw. Ang ganda ng kolum n’yo dahil masarap basahin at may aral din akong natututunan. Nais kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na naglalakad ako sa tulay. Napatingin ako sa ibaba, tapos may tubig sa ilalim ng tulay at malakas ang agos nito. Bigla akong nahilo at parang hindi makahinga.
Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?
Naghihintay,
Florence
Sa iyo, Florence,
Ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na naglalakad ka sa tulay ay may paparating na kaguluhan sa buhay mo. Masasangkot ka sa isang gulo, pero makakaiwas ka at hindi naman ito magdudulot sa iyo ng mabigat na problema. Ang sabi mo ay may tubig sa ilalim ng tulay at malakas ang agos nito. Nangangahulugan ito na matatagalan pa bago mo makamit ang ganap na tagumpay sa iyong mga mithiin sa buhay.
Samantala, ang kahulugan naman ng nahilo ka at parang hindi ka makahinga habang naglalakad sa tulay ay babala na huwag mo masyadong pagurin ang iyong sarili sa pagtatrabaho. Limitahan mo lang ang mga gawaing dapat tapusin. Huwag kang mag-overwork upang maiwasan ang malubhang sakit.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments