Kahulugan ng naglagay ng tubig sa bote at ininom
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 6, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Daniel ng Bohol.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na magpi-picnic kami ng pamilya ko. Kumuha ako ng maraming empty bottles para punuin ng tubig na babaunin namin. Nang malagyan ko ng laman ang mga bote, kinuha ko at ininom ang tubig ng isa sa mga ito.
Ano ang gustong ipahiwatig ng panaginip ko?
Naghihintay,
Daniel
Sa iyo, Daniel,
Ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na kumuha ka ng maraming empty bottles ay dapat kang maging mapagmasid sa mga kinikilos ng mga kaibigan mo. Karamihan sa kanila ay hindi tapat sa iyo at kung sino pa ang tinulungan mo ay siya pa ang magiging kaaway mo.
Gayunman, ang pinuno mo ng tubig ang mga bote na babaunin n’yo sa picnic ay nagpapahiwatig na magtatagumpay ka sa mga binabalak mong gawin kung magiging alerto, mapanuri at hindi ka padalos-dalos sa pagpapasya.
Samantala, ang ininom mo ang tubig na laman ng isa sa mga bote ay nangangahulugan na dapat kang maging maingat sa iyong mga desisyon sa buhay. May posibilidad na pasukin mo ang isang negosyo na madaling kumita ng pera, ngunit ilegal o labag sa batas. Iwasan mong madawit sa ganyang uri ng negosyo dahil walang mabuting idudulot sa iyo ang pagkakasangkot sa ilegal na gawain, kung saan sa bilangguan ka pupulutin.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments