Kahulugan ng naging hardinero sa palasyo at kinausap ng hari
- BULGAR
- Oct 17, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 17, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Bert ng Ilocos Sur.
Dear Maestra,
Isa ako sa madalas na magpaanalisa ng panaginip sa inyo. Tama ang interpretasyon n’yo sa mga panaginip ko noon, kaya gusto kong magpaanalisa ulit sa inyo ng panaginip.
Napanaginipan ko na natanggap akong hardinero sa palasyo, tapos kinausap ako nu’ng hari at ang sabi niya ay tama lang ang edad kong 25 sa hinahanap nila para maging hardinero. Malugod akong tinanggap ng hari sa palasyo.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Bert
Sa iyo, Bert,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na natanggap kang hardinero sa palasyo ay may naghihintay sa iyong magandang kapalaran, kung saan magiging mapalad ka sa darating na mga araw.
Ang kinausap ka mismo ng hari ay nagpapahiwatig ng karangalan at tagumpay sa iyong buhay — magtatagumpay at papalarin ka sa iyong gawain. Gayundin, tatanggap ka ng karangalan sa inyong lugar dahil paparangalan ka bilang huwarang mamamayan.
Samantala, ang sabi mo ay 25-anyos ka sa iyong panaginip, ito ay nangangahulugan na makakapag-asawa ka ng mayaman at tinitingala sa lipunan. Gayundin, ito ay nagpapahiwatig na madasalin ka at may takot sa Diyos.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments