top of page
Search
  • BULGAR

Kahulugan ng nagbabasa ng dyaryo

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 30, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Bert ng Taguig.


Dear Maestra,


Matandang binata ako, pero may tinatangi na akong magandang babae sa kasalukuyan at may balak na akong pakasalan siya kung papayag siya.


Napanaginipan ko na nagbabasa ako ng dyaryo, tapos binabasa ko ‘yung column n’yo tungkol sa panaginip. Habang nagbabasa ako, nagpapapak ako ng mani, tapos uminom ako ng beer.


Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Bert


Sa iyo, Bert,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagbabasa ka ng dyaryo, tapos binabasa mo ang kolum ko tungkol sa panaginip ay may matatanggap kang magandang balita. Tungkol ito sa pagkakaroon mo ng panibagong trabaho sa isang malaking kumpanya, na sa kalaunan ay ikaw mismo ang magiging boss at magiging kasosyo ka pa balang-araw.


Ang ibig sabihin naman ng nagpapapak ka ng mani habang nagbabasa ay kaligayahan at kasaganaan sa buhay.


Samantala, ang uminom ka ng beer pagkatapos magbasa ay nangangahulugan ng engagement leading to marriage. Ibig sabihin, makakapag-asawa ka na at matutuloy ang kasal mo sa babae na iyong tinatangi.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page