Kahulugan ng nag-shopping at nakasalubong ang ex-BF
- BULGAR
- Feb 24, 2024
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 24, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Helen ng Malabon.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nag-shopping ako sa isang malaking mall hanggang sa nakasalubong ko ‘yung dati kong boyfriend. Nginitian niya ako at inabutan ng bouquet of roses, ang bango ng mga roses.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Helen
Sa iyo, Helen,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-shopping ka sa isang malaking mall ay magiging maganda ang negosyo mo lalo na kung ito ay may kaugnayan sa ready-to-wear dress. Ito rin ay nangangahulugan ng matatag, komportableng pamumuhay at kaligayahan sa tahanan kapiling ang iyong mga mahal sa buhay.
Ang nakasalubong mo ang dati mong boyfriend, nginitian ka niya ay nagpapahiwatig na sunud-sunod na mga pagpapala ang makakamit mo, at susuwertehin ka rin sa napakaraming bagay.
Samantala, ang inabutan ka ng bouquet of roses at ang bango ng amoy nito ay senyales ng kaligayahan, tagumpay at kasaganahan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna








Comments