top of page
Search
  • BULGAR

Kahulugan ng nag-jogging, nauhaw at walang makitang tubig

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | January 17, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rolan ng Masbate.


Dear Maestra,


Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan sa sandaling mabasa n’yo ang panaginip na ikokonsulta ko sa inyo.


Napanaginipan ko na nag-jogging ako, tapos malayo-layo na ang nararating ko nang ako’y nauhaw. Naghanap ako ng mabibilhan ng tubig, pero wala akong nakita. Buti na lang, may nakakita sa akin, tapos binigyan niya ako ng tubig na maiinom upang mawala ang aking pagkauhaw. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,


Rolan


Sa iyo, Rolan,


Ang panaginip mo na uhaw na uhaw ka kaya naghanap ka ng mabibilhan ng tubig, ngunit wala kang nakita, ito ay nagpapahiwatig na matatagpuan mo ang iyong sarili na nag-iisa at walang sinumang gustong tumulong sa iyo sa sandali ng kagipitan.


Samantala, ang sabi mo ay buti na lang, may nakakita sa iyo at binigyan ka niya ng tubig upang mawala ang iyong pagkauhaw. Ito naman ay nangangahulugan ng kaligayahan.


Mapapawi na ang lungkot na nadarama mo ngayon. Liligaya at pagpapalain ka na.



Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia De Luna


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page