Kahulugan ng nag-apply bilang kasambahay
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | January 24, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Maribel ng Binondo.
Dear Maestra,
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan sa inyong lugar. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko.
Napanaginipan ko na nag-apply ako bilang katulong sa kapitbahay namin at natanggap naman ako. Nagkayayaan silang maligo sa beach, tapos isinama nila ako.
Tinanggal ko ang aking sapatos para maligo at nasarapan naman ako sa paliligo dahil malinaw ang tubig sa beach. Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?
Naghihintay,
Maribel
Sa iyo, Maribel,
Ang kahulugan ng panaginip mo na nag-apply ka bilang katulong ay magkakaroon ka ng bagong kakilala na mayaman at maimpluwensiyang tao.
Gayundin, ang sabi mo ay isinama kang maligo sa beach, ang ibig sabihin naman nito ay magtatagumpay ka sa binabalak mong negosyo kung saan kikita ka ng malaki.
Samantala, ang sapatos na iyong tinanggal dahil maliligo ka sa beach ay nangangahulugan ng buhay na panatag, matatag at marangal. Kasaganaan, kalusugan ng katawan at ligtas sa anumang sakit o karamdaman ang ibig sabihin ng malinaw na tubig sa beach.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments