Kahulugan ng may sakit ang bff, pulang rosas at ospital
- BULGAR
- Oct 12, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 12, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Geraldine ng Cubao.
Dear Maestra,
Matagal na kaming hindi nagkikita ng best friend ko at miss na miss ko na siya.
Napanaginipan ko na may malubhang sakit ang best friend ko at may taning na ang buhay niya, gayundin, nasa ospital siya. Dumalaw ako sa ospital at dinalhan ko siya ng paborito niyang bulaklak na red rose, fresh na fresh pa ito at bagong pitas sa garden namin.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Geraldine
Sa iyo, Geraldine,
Ang panaginip mo na may malubhang sakit ang best friend mo at may taning na ang buhay niya ay nagpapahiwatig na kailangan niya ang tulong mo dahil nasa mahirap na kalagayan siya ngayon. May mabigat siyang problema at ikaw lang ang puwedeng makatulong sa kanya. Makabubuting puntahan mo siya sa lalong madaling panahon.
Gayunman, ang fresh red rose na dinala mo sa kanya nang dumalaw ka sa ospital ay nangangahulugan na magtatagumpay ka sa lahat ng binabalak mong gawin sa susunod na mga araw. Ang ospital naman ay tungkol sa negosyo ang ipinahihiwatig, kung saan kikita at pagpapalain ka sa binabalak mong negosyo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments