Kahulugan ng may manliligaw na biyudo at mayaman
- BULGAR
- Jul 27, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 27, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Aurora ng Bulacan.
Dear Maestra,
Kung tutuusin ay matandang dalaga na ako sa edad na 42, pero nangangarap pa rin akong matagpuan ang aking destiny. Naniniwala ako sa destiny at ang bawat isa ay may nakatakdang kabiyak ng buhay na makikilala niya sa takdang panahon.
Napanaginipan ko na nililigawan ako ng matanda, mayaman pero mabait at biyudo na siya. Pumunta siya sa bahay kahit gabi na, tapos niyaya niya akong maglakad sa park na malapit sa bahay namin at pinagbigyan ko naman siya.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Aurora
Sa iyo, Aurora,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nililigawan ka ng matanda, mayaman at biyudo ay financial success. Ibig sabihin, malapit ka nang yumaman at kikita ka nang husto, anuman ang pinagkakaabalahan mong negosyo, gayundin, maliit man o malaki ang naturang negosyo.
Samantala, ang ibig ipahiwatig ng naglakad kayo sa park na malapit sa bahay n’yo kahit gabi na ay mauudlot o hindi muna matutuloy ang binabalak mong gawin sa mga susunod na araw. Pero huwag kang mawalan ng pag-asa dahil sa iyong pagtitiyaga at pagiging masipag, makakamit mo rin ang minimithi mong pagpapala.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
留言