top of page

Kahulugan ng martilyo at napukpok ang kamay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 13, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 13, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joshua ng Quezon Province.

 

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may hawak akong martilyo, pinukpok ko ‘yung pako sa dingding namin. At sa ‘di sinasadya, napukpok din ang kamay ko. Ang sakit at ang dumi ng kamay ko dahil sa walang tigil na kapupukpok. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

 

Naghihintay,

Joshua

 

Sa iyo, Joshua,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may hawak kang martilyo, pinukpok mo ‘yung pako sa dingding ay uunlad ang negosyo mo. Malaki ang kikitain mo hanggang sa tuluyan kang yumaman. 


Samantala, ang napukpok mo nang ‘di sinasadya ang kamay mo, sumakit ito ay nangangahulugan na may magandang oportunidad na darating sa’yo. Malaki ang magiging pakinabang nito kung sasamantalahin mo ang magagandang oportunidad. Ito rin ay nagpapahiwatig na may hindi inaasahang suwerte ang darating sa buhay mo.


Lahat ng mga binabalak mo ay tuluyan mong maisasakatuparan sa darating na mga araw. 


Ang dumumi ang iyong kamay dahil sa walang tigil na kapupukpok ay nagpapahiwatig na dapat kang mag-ingat sa pakikipagtransaksyon dahil maaari kang mabiktima ng mga sindikato o mga scammer.

 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page