top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng maraming baka at manok na walang tigil sa pagtilaok

BULGAR
Apr 13, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 12, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Carlo ng Las Piñas City.


Dear Maestra,


Isa ako sa maraming tagasubaybay ng column n’yo at tulad nila, gusto ko ring magpaanalisa ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na naligaw ako sa isang city dahil first time kong makarating sa lugar na ‘yun, tapos may nakasalubong akong mga baka at hinabol nila ako. Marami ring mga manok na sabay-sabay tumitilaok na parang takot na takot.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Carlo



Sa iyo, Carlo,


Ang ibig sabihin ng naligaw ka sa city ay magkakaroon ng biglaang pagbabago sa mga plano mo. Hindi mo inaasahang may makikialam sa iyong mga binabalak. Ang mga baka at hinabol ka ng mga ito ay nagpapahiwatig na may nagbabantang gulo sa buhay mo. May mga kaibigan ka na manggugulo sa kasalukuyan mong binabalak gawin, ngunit pansamantala lang ang naturang kaguluhan at lilipas din ito agad.


Samantala, ang mga manok na walang tigil sa pagtilaok na parang takot na takot ay nangangahulugang hindi agad matutuloy ang mga plano mo dahil maraming hadlang ka pang kakaharapin. Maghihintay ka pa ng mahabang panahon para maisakatuparan ang mga ito.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page