top of page

Kahulugan ng malinis na sapa at nagbalik sa pagkabata

  • BULGAR
  • Aug 12, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 12, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gloria ng Zambales.


Dear Maestra,


Nakakaaliw at talagang kapupulutan ng magandang kaalaman ang inyong kolum tungkol sa panaginip. Bukod sa binibigyan n’yo ng kahulugan ang mga panaginip, nagpapayo rin kayo ng dapat gawin upang maging gabay ang mga ito. Isa ako sa masugid nyong tagasubaybay at pangatlong beses ko nang pagsungguni sa inyo.


Napanaginipan ko na napadaan ako sa isang sapa, malinis at malinaw na malinaw ang tubig nito, kaya sinubukan kong inumin ang tubig. Masarap naman ang tubig at parang manamis-namis din. Naalala ko tuloy noong bata pa ako, madalas akong isama ng tatay ko sa bukid namin, tapos may madadaanang sapa. Nagbalik ako sa pagkabata habang nakatingin sa sapa.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Gloria


Sa iyo, Gloria,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na napadaan ka sa sapa na may malinis, malinaw ang tubig at masarap inumin ay nangangahulugan ng kaligayahan at kasaganaan sa buhay, tagumpay sa negosyo at karangalan. Nagpapahiwatig din ito ng pagkakasundo-sundo sa pamilya at matagumpay na pag-aasawa sa napili mong kabiyak ng buhay.


Samantala, ang nagbalik sa iyong alaala noong ikaw ay bata pa at bumalik ka sa pagkabata habang nakatingin sa sapa ay nangangahulugan ng tagumpay sa negosyo at kaligayahan sa larangan ng pag-ibig at pag-aasawa. Magkakaroon kayo ng maligayang pagsasama at kapayapaan sa loob ng tahanan.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page