top of page
WINNER - ALEX, INILANTAD NA ANG PAGBUBUNTIS-IG _cathygonzaga.jpg

Kahulugan ng malinaw na tubig sa ilog at balyena

  • BULGAR
  • Apr 1, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 1, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni David ng Zambales.


Dear Maestra,


Madalas akong magpaanalisa ng mga panaginip ko sa inyo dahil nagkatotoo lahat ng sinabi n’yo, kaya heto ako at muling magpapaanalisa sa inyo.


Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na napadaan ako sa isang ilog at sobrang linaw ng tubig dito. Nagwisik-wisik ako at naghilamos, at nasarapan akong maghilamos dahil napreskuhan ako. Tapos may lumabas na whale o balyena sa ilog, kaya agad akong umalis. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

David



Sa iyo, David,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may nadaanan kang ilog na may malinaw na tubig at naisipan mong magwisik-wisik at maghilamos ay kasaganaan, katiwasayan at kaginhawahan sa buhay.


Samantala, ang sabi mo ay may lumabas na whale sa ilog, kaya agad kang umalis, ito ay nagpapahiwatig na may balak maglakbay sa karagatan ang isa sa iyong mahal sa buhay. Gusto mong sumama pero hindi ka niya isasama dahil mas gugustuhin pa niyang nag-iisa kaysa may kasama.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page