top of page

Kahulugan ng malakas na pagpukpok at nasugatan ang kamay

  • BULGAR
  • Oct 14, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 14, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Manuel ng Capiz.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na kinuha ko ‘yung martilyo para maglagay ng pako sa dingding dahil isasabit ko ‘yung family picture namin. Napalakas ang pukpok ko at halos mabingi ako sa tunog ng martilyo. Nasugatan din ang kamay ko at napakarumi nito pagkatapos kong magpukpok.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Manuel


Sa iyo, Manuel,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na kinuha mo ang martilyo para maglagay ng pako sa dingding upang du’n isabit ang family picture n’yo ay uunlad ang inyong kabuhayan, kung saan madadagdagan ang ari-arian n’yo.


Pero ang sabi mo ay napalakas ang pukpok mo at halos mabingi ka sa tunog, ito ay nangangahulugan ng pansamantalang pagkalugi sa negosyo. Gayundin, may sagabal kang kakaharapin, pero makakabawi ka agad at tuloy-tuloy na ang pag-unlad ng kabuhayan n’yo. Samantala, ang sabi mo ay nasugatan ang kamay mo habang nagpupukpok. Gayunman, maganda ang ipinahihiwatig nito dahil ito ay nangangahulugan na lahat ng plano mo ay matutupad, maging sa pag-ibig man o negosyo ito. Gayundin, maging ang masamang binabalak ng mga kaibigan mo laban sa iyo ay hindi magtatagumpay, kaya mabibigo sila sa pagtatangkang pabagsakin ka.


Tungkol naman sa marumi ang kamay mo matapos magpukpok, ito ay nagpapaalala na maging alerto ka sa mga taong lalapit sa iyo dahil may posibilidad na mabiktima ka ng budol-budol.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page