top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng malakas na bagyo at nagliparang mga bubong

BULGAR
Apr 4, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 4, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Osang ng Lucban, Quezon.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na mayroong napakalakas na bagyo sa lugar namin. Nagliparan ang mga bubong ng bahay sa tindi ng hagupit ng hangin at pati bakod namin na yari sa steel ay nasira rin.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,


Osang



Sa iyo Osang,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo tungkol sa napakalakas na bagyo na naging sanhi upang magliparan ang bubong ng mga bahay sa lugar n’yo ay kaguluhan at pagkawala ng mga ari-arian. Masasangkot ka sa isang gulo at magdudulot ito ng pagkaubos ng kabuhayan mo, pero huwag kang mag-alala dahil makakabangon kang muli at makakarekober sa sitwasyon. Muli kang sasagana at uunlad.


Samantala, ang sabi mo pati bakod n’yo na yari sa steel ay nasira rin. Ito naman ay nagpapahiwatig na kakailanganin mong magpakatatag sa dagok ng buhay upang makamit mo ang iyong mga pinapangarap. Huwag kang panghihinaan agad ng loob dahil may pangako ng magandang bukas sa buhay mo, basta’t manatili kang matibay sa anumang dagok ng buhay.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page