Kahulugan ng malagong puno at maaliwalas na langit
- BULGAR
- Jun 24, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 24, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonabel ng Cavite.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na namasyal kami ng family ko sa beach resort. Ang ganda ng paligid, lalo na ‘yung mga puno na malapit sa dalampasigan dahil malago ang mga dahon at berdeng-berde ang mga ito at ang sarap tingnan. Pati kalangitan ay napakagandang tingnan dahil kitang-kita ang mga ulap na iba’t ibang hugis, gayundin, maaliwalas at maliwanag na maliwanag.
Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jonabel
Sa iyo, Jonabel,
Napakaganda ng ipinahihiwatig ng panaginip mo tungkol sa mga puno na may malago at berdeng dahon dahil ito ay nangangahulugan ng tagumpay sa negosyo, kasaganaan, kaligayahan sa piling ng iyong mga mahal sa buhay.
Nagpapahiwatig din ito na madaragdagan ang iyong mga kaibigan. Parami sila nang parami tulad ng mga dahon ng puno na nakita mo sa iyong panaginip.
Samantala, ang magandang kalangitan naman na may ulap na napakaganda at maaliwalas ay nangangahulugan ng pagiging kuntento sa buhay, kapayapaan ng isipan, kaligayahan at kasaganaan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments