top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng mag-isa sa isla at kinagat ng langgam

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 20, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | January 20, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Teresa ng Tondo.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyo r’yan. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na napadpad ako sa isang isla, tapos nag-iisa ako roon at andaming langgam. Kinagat ako ng mga ito sa iba’t ibang parte ng katawan, tapos nangati nang husto ang balat ko dahil sa kagat ng mga langgam. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Teresa


Sa iyo, Teresa,


Kung mag-isa ka islang naturan, walang anumang halaman o hayop man lang, ito ay nangangahulugan ng pagkawala ng minamahal mo sa buhay. Subalit kung ang nasabing isla ay kaaya-ayang tingnan, maraming naggagandahan at berdeng mga halaman at may mga bulaklak sa kapaligiran, ito ay nagpapahiwatig na ang kasalukuyan mong boyfriend ay pabago-bago ng isip. Pero huwag kang malungkot dahil may makikilala ka na higit sa kanya na magbibigay sa iyo ng kaligayahan at kasaganaan sa darating na panahon.


Gayunman, ang langgam ay nangangahulugan na may pupuntahan kang lugar at makakaranas ka ng pagkainis at pagkabagot. Bagama’t makakapagtrabaho ka roon, kailangang kumayod ka nang husto upang makamit mo ang iyong mga pangarap.


Samantala, ang sabi mo ay nangati ang balat mo dahil kinagat ka ng langgam, ito naman ay nangangahulugan ng kalungkutan at hindi magandang pakiramdam sa lugar na iyong kinaroroonan.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia De Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page